Takbo
By
Charity Oro
Noong
ako'y isang sanggol pa lang, hindi ako marunong tumakbo. Una akong natutong
dumapa, pagkatapos ay natutong gumapang. Di naglaon ay natutunan kong umupo,
tumayo, at lumakad. Masayang maglakad. Nakakapunta ako sa kung saan saan dahil
marunong akong lumakad. Ilang beses din akong bumagsak, pero masaya pa rin
dahil marami akong napupuntahan. Ngunit mabagal ang paglalakad. Nagkaroon ako
ng nais na makarating sa patutunguhan ko ng mabilis. Kaya naman ay unti-unti
kong binilisan ang aking paglakad. Unti-unti, ako ay natutong tumakbo.