Sunday 26 April 2015

Poetry: Sa Aking Gitara by Jed Dalangin

SA AKING GITARA
by Jed Dalangin

Paanong ika’y may sinasabi
Kahit na wala ka namang bibig?

Paanong diwa ko’y nasasagi
‘Pag daliri’t kwerdas ay nagniig?

Hayan ang kurba sa ‘yong katawan
Batis sa mang-aawit na uhaw
Ang himig mo, nakapagpatahan
Sa sanggol na siyang pumapalahaw

Leeg mong mahaba’y nagtataglay
Ng mga tonong pinagtatambal
Nang malikha ang aking kundiman
Sa mga kwerdas mong nagsasayaw

Sa pag-aalingawngaw ng ‘yong awit
Makikinig ang buong daigdig
At sa muli mong pananahimik
Maiidlip ang maliligalig


0 comments:

Post a Comment