Sunday, 26 April 2015

Poetry: Ngiti by Jellorie Gallego

Ngiti

by Jellorie Gallego
Masaya ang ulan
Mga ngiting pumapatak
Sa nagiisang lupa
Nagpapasigla sa mga
Naglulungkutang mga gusali,

Nagdadala ng ihip
Ng masayang alaala
Naglilinis ng kasalanan
Nagpapawala ng duda
Sa mundong nagiisa,

Panoorin mo—
Mgaluha ng ulap
Puno ng tuwa’tsaya
Dumaraan sa kalyeng
Madumi, maitim,

Tingnan mo ang bawat luha
Sa pagtama niya sa ngiti
Ng nakatulalang bata
At alalahanin mong
Uulan, babaha, lagi at lagi,

Umuulan, pumapatak
Nagdaramdam, umiiyak
Nakatango, nagsasalita
Nabubuhay, namamatay
Papatak at papatakang luha.

0 comments:

Post a Comment