Saturday 25 April 2015

Poetry: Ang Prinsesa ng mga Bilanggo by Chad Patrick Osorio



Ang Prinsesa ng mga Bilanggo
by Chad Patrick Osorio

Tinatawag siyang prinsesa
Ngunit siya ang taga-igib, tagalinis ng mga kuko
Tagakuha ng pagkain, alipin ang turing


Tinatawag siyang diyosa
Ngunit siya ang lumuluhod, sinasamba ang maduduming katawan
Na nabulok na sa silid ng bilangguan
Tinatawag siyang binibini
Ngunit daig pang puta ang turing sa kanya
Mabuti pa ang puta, binabayaran

Sa labas, ang tawag sa kanya’y Dan sa umaga
Ngunit siya’y nagiging Daniella pag nagdidilim na
Ang tanging kasalanan: magnakaw ng babarya

Pinangarap niya rin minsang maging isang paru-paro
Ngunit ngayo’y turing sa kanya, masahol pa sa insekto
Mabuti pa ang ipis,minsa’y naiisip niya: nakakalipad.




0 comments:

Post a Comment