Saturday 25 April 2015

Poetry: Panakip-Butas by Rieziel Bernal



PANAKIP-BUTAS
by Rieziel Bernal

Tanghaling tapat pa lamang
At mainit ang sikat ng araw
Ngunit ako'y giniginaw na
Sa lamig ng iyong pakikitungo.
Dahan-dahang naglalapit
Ang ating mga matang magkatitig
Habang unti-unting naglalayo
Ang ating mga damdamin.
Ibinubuka mo pa lamang ang iyong bibig
Upang magpaliwanag
Ay naririnig ko na
Ang iyong mga kasinungalingan.

Lumuluha akong pinalayas ka sa aking harapan
Habang ika'y tila natutuwa pa sa paglabas sa pintuan.

Pumikit na lamang ako
At nagpatuloy sa pag-iyak
Kasabay ng pagmulat ko
Sa katotohanang
Ako'y panakip-butas lamang...

0 comments:

Post a Comment