Sunday, 26 April 2015

Story: Haplos by Jellorie Gallego

Haplos

by Jellorie Gallego
 
Hawakan mo ko.
Lapitan mo ang aking pusong tumitibok para lamang sa iyo. Hayaan mo kong haplosin ang iyongmukha nang madama ko ang init ng katawan mo, ang dugong dumadaloy na nagbibigay buhay sa kagandahang nasa harap ko. Haplos samukha. Saiyong mahabang buhok na tila tinatago ang yong mga mata.

Yakap. Gusto kitang yakapin, Gusto kitang halikan. Gusto kita. Ngunit higit sa lahat, gusto kong hawakan ka; ang iyong magandang kamay at ang malaporselana na kutis nito, ang maganda mong mukha na nagtataglay ng ngiting kailanman hindi nagkulang sa pagpapaligaya sa kin.

Gusto kong mahawakan ka. Sapagkat di talaga kita maaabot, mararating, mahahagilap. Ang buhay natin ay laging magkalayo ang landas. May sariling buhay ka. May sariling buhay ako. At sarisarili nating aasikasuhin ang ating pinagdaraanan. Yan ang masaklap, kung anu pa ang pinakaninais ko, yun pa ang di ko maabot.

Sanay pagbigyan mo ko, mahaplos lang ang iyong kamay, ang iyong mukha, ang iyong buhok, nang sanay maalaala ko kung bakit di nga tayo pwede.

0 comments:

Post a Comment