Saturday 25 April 2015

Poetry: Sa Tala by Maxine Stephanie Prado



Sa Tala
by Maxine Prado


Naririnig kita sa sabayang tinig ng gabi at ng hanging umihip

Sa biglang pagdaan ng guni-guni 
Ibinubulong, marahan, matamis

Paulit-ulit, paulit-ulit
Ilang ulit

Dinala ka muli sa akin ng ala-ala
Tanging silang kaysaya lamang ang nagbalik.
Habang iniwan samga tala silang masasakit.

Dahan-dahan. Paulit-ulit. Saglit.

0 comments:

Post a Comment