Saturday 25 April 2015

Poetry: Lumilipas Ako sa Iyong Gunita by Sesa Allarey



Lumilipas Ako sa Iyong Gunita
by Sesa Allarey
 

Pinaiibig mo ako sa iyong kahangalan,
Pinaiintinding hindi ang kahungkagan.

Sa iyong kamalayang ako ay lumilisan;
Ikaw sa akin ay hindi, ikaw na aking kalam.
Ikaw na aking gunita, payak na lilip at pangarap
Sinasadyang hindi na sa bawat pagkurap,
Mukha mo'ng nakalutang sa alapaapap.
Lutang itong puso kong walang pagpilit na ginagap.
Ngiti ka sinta, at tunawin pang bahagya
Nagbabadyang hindi ng isang pag-asa.
Kurap ng isa pa sa gitna ng alaala
Masayang bangungot sa bahagharing tanikala.
Lakbay sa ganda nitong bagong pag-iimbot.
Panibughong hindi sa kaniyang 'di mo maabot.
Silayan at kapitan pagbaling mong kakarampot
Na pumapawi nitong 'di maipaliwanag na kirot.
Lumilipas ako sa iyong gunita,
Sinisintang hindi nang puso mong abala
Isang halili sa ganap mong pangungulila
Babaeng hangal na para sa iyo'y parirala.

0 comments:

Post a Comment