Monday 27 April 2015

Poetry: Inahin by Jed Dalangin



INAHIN
by Jed Dalangin

Wala ka ngang kaibahan
D’un sa manok na inahin

Ang pagputak mo’t bulahaw
Ay hindi mapigil-pigil

Ang tanging pahinga lamang
Ay pagtuka o pagkain
Sanggunian ng tsismisan
Ito pong aleng inahin

Minsan s’yay nananalangin
Kapitbahaya’y malasin
Sa itaas nakatingin
Sa impyerno humihiling

0 comments:

Post a Comment