Saturday 25 April 2015

Poetry: Isang Maulang Gabi by Jed Dalangin



ISANG MAULANG GABI
by Jed Dalangin

Kasabay ng lupang rumagasa, dumaus-os
Matatalim na karayom ang patak ng ulan

Nagulat ang langit sa dagundong ng kulog
Na bumasag sa pang-gabing katahimikan

Takbuhan sa dilim, paroo’t parito
Mga yabag ng paa
Kalampag ng yero
Mga katawang yumakap
Sa putik at bato

Takbo anak, takbo apo
Takbo. Takbo.
Takbo kayo.
Nakatanghod ang langit
Sa dugong lumabnaw
Sa sapang nalikha
Ng buhos ng ulan

0 comments:

Post a Comment